Skip to Content

Supremo AorinRei

"Dalawa nakalagay na AorinRei kasi bawat tao ay may good side at bad side. Sa akin, bad side at worse side" -AorinRei, Managing Editor of Tuntemattomat
June 21, 2025 by
Lira Caine
| No comments yet

About AorinRei

Follow AorinRei


Si AorinRei, ay isang rehistradong awtor sa Pilipinas na sertipikado ng National Book Development Board. Ang kaniyang akda na “Liwanag sa Likod ng Kasawian” ay bahagi

ng inilathalang antolohiya na Cradle of Lullabies Once More ng Lolakwentosera Book Publishing. Isa siyang alumna ng Quezon City Science High School (Regional Science High

School for the National Capital Region) na kung saan nagsimula ang buhay niya bilang isang may-akda. 


Sa kasagsagan ng pandemya ay nahirapan siyang lumipat ng paaralan kaya nama'y napilitan siyang magpatala sa ABM strand. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang mga parangal sa loob at labas ng bansa gaya ng pagiging finalist sa JA TTBIZ 2020. Dahil sa nasabing patimpalak, natutuhan niyang makipagkapwa sa mga kabataan ng bawat kultura kahit pa magkaiba ang kanilang sinasalitang wika. Nakatulong ito upang makapasa siya at maging bahagi ng Engagement Ambassador ng Wattpad.


Nagsilbi siyang katuwang ng SHS Research Department Head sa panunuri ng mga akademikong papel sa pagtitiyak na malinis ang mga ipinasa bago ilathala sa opisyal na aklat ng paaralan. Nang makatungtong sa ikalabindalawang baitang, inalok siya na maging bahagi ng mga panelist sa final defense para sa Practical Research 2.


Nakamit niya ang ranggong Agila sa Boy Scouts of the Philippines kung saan niya ibinatay ang mga karanasan patungkol sa pagharap sa mga balakid ng buhay, na sinasalamin ng kaniyang mga akda. Naranasan niya rin maging boluntaryo sa Lakbay Lakaran, isang organisasyong may kaugnayan sa kasaysayan na layuning palaganapin ang kultura. Naging Ingat-yaman siya sa High School Philippine History Movement at isa rin sa mga founding member. Dito niya nakilala ang mga propesor na hiningian ng mungkahi na malaking tulong sa pagsusulat niya patungkol sa kasaysayan. Administrador din siya ng Historical Fiction sa WritersPH Organization, at ang kasalukuyang ika-apat na ranggo sa nasabing komunidad ng manunulat.


Layunin niya na sa pamamagitan ng kaniyang mga inilathala ay magiging bukas ang isip ng kapwa kabataan sa kasaysayan. Ngayon ay nililinang niya sa kolehiyo ang mga kasanayan niya sa paglalathala habang masusing nagsasaliksik nang sa gayo'y mapahusay pa lalo ang mga akda.


Works of AorinRei

-- The Forgotten Tree

-- Punla

Share this post
Archive
Sign in to leave a comment