Skip to Content

Punla

@aorinrei, poem, published: 6/17/2025
June 17, 2025 by
Lira Caine
| No comments yet
Nagmula sa binhing itinanim ng magulang
Hiniling ang iyong kaligtasan
'Di maipinta ang galak nang ika'y isilang
Kanilang pag-ibig ay lubusan

Hanggang lumitaw ang kauna-unahang dahon
Natutuhan nang makipagkapwa
Lumipas man ang pagkahaba-habang panahon
Naghahatid ka pa rin ng tuwa

Sarili'y tinaguyod kahit puro pagsubok
Lumundo ma'y patuloy ang usbong
Kailan man ay hindi magpapatalo sa lugmok
Talento'y hinasa't pinayabomg

Sa kabila ng mga sakuna'y nagpursigi
Buong pagkatao ay biyaya
Mistulang tulay upang ang tanim ay maani
Minimithing bunga ng hiraya


Follow Aorinrei

Share this post
Tags
Archive
Sign in to leave a comment