Sarang's Point of View
Prime Hance "Prince" Yu. He's the charming of the campus.
Si Prince iyong makikita mong matangkad, mabango, at typical na gwapo. Lalaking may alam sa sports. Galing sa maranyang pamilya, at ideal dahil likas na matalino.
Araw-araw din na tinitilian dahil sikat, sa hallway pa lang kung saan siya dumaraan after class, hanggang sa parking lot kinaumagahan.
Maginoo. Tila karakter itong nabuhay na lang mula sa mundo ng fairytales. Ilang beses na rin kasi itong nakitang kumilos ng marahan sa mga kababaihan tuwing may napapatid habang nag-uunahan sa pathway makita lang siya. Iyong pakiramdam na babagal ang lahat sa pagluhod niya para tulungan silang makatayo. Sa paghawak ng kamay, tunaw ka na.
Kung tatanungin, maging ang mga pinakamagaganda at iilang taga-higher year ng school ay hindi ikakailang napakalakas ng karisma niya. Tipong lahat ng titingin, mahuhulog.
Isa na ako do'n. Dahil grade seven pa lang, siya na ang nagugustuhan ko.
Lumalampas sa normal ang pagtibok ng puso ko sa tuwing makikita siya. Mula sa pangangarap, umaabot sa hinaharap ang pagtanaw kahit pa man alam na imposibleng mabigyan ako nito ng pansin.
But, this is love. Hindi ko masisisi ang sarili.
Hindi na nagbago ang ang nararamdaman ko mula ikapitong baitang, hanggang ngayong senior high. Lagi kong sinasabi na kapag naging kami, siya na. Ang sarili kong prince charming, ang lalaking handa kong hintayin, lalaking mamahalin.
"Prince? Ang gwapo mo, Prince, pa-notice naman, o!" Rinig ko sa hallway habang nagkakandarapa ang lahat para rito. "Pa-accept naman ng friend request ko!"
Hindi ko maiwasang ngumiti na lang dahil lalong gumagwapo ito sa pagkurba ng mga labi habang ine-entertain ang mga tagahanga.
"Sarang nga naman, o. Nagda-daydream ka na naman," tapik sa braso nitong kaibigan kong si Crissel, saka bahagyang binangga ng balikat.
"Pasensya naman, hindi ko lang maiwasan. Ang gwapo pa rin talaga ni Prince. Alam mo namang since grade seven, may gusto na ako sa kanya," sumimangot ako sa kanya.
Ito naman, dinuro ang aking pisngi, "Ano ba. Hindi ba, kayo na? 'Di ba, prinsipe mo na 'yan? So, no need ka nang mangarap na gaya ng mga babaeng 'yan. Sayong-sayo na siya, Sarang."
Natigil ako, at lalong napangiti. Three months ago, nagkausap kami dahil parehong kasali sa iisang club. Hindi ko naman aakalaing magkakainteres siya sa drama club. Mula no'n, naging malapit sa isa't-isa. Doon nagsimula.
"Huy," nang matauhan mula sa pagbabalik-alala, I shushed her. "Huwag mong lakasan, baka may makarinig."
Nag-ekis ang mga kilay niya, "Feeling dudumugin kapag may nakarinig? Easy ka nga lang."
"Nag-aalala lang." Tumingin ulit ako kay Prince, na papalapit na rito sa classroom. "We keep everything between us lowkey. Usapan namin 'yon. Ayaw ko namang magalit siya."
Pabirong inirapan ako ni Crissel, saka natawa."Pero gusto mo ba, relationship reveal kayo? I mean, wala namang karelasyon ang may gusto na matago habang buhay."
Nang muling tumingin sa bintana, nagkatitigan kami ni Prince. Dito pa lang, nahulog na ako ulit.
Agad din napasok sa isip ang mga sinabi ni Crissel. May punto siya. Hindi ko naman gustong maitago, lalo pa't mag-ta-tatlong buwan na rin kami. Ayaw ko lang na pangunahan si Prince. Naiintindihan ko ang estado nito sa buhay, at kung ano siya sa harap ng lahat. Nangako akong hihintayin hanggang maging handa na siyang ipakilala ako sa lahat.
Tipid na ngiti ang binigay ni Prince sa 'kin at diretso lakad palayo.
"Baliw ka na talaga kay Prince Yu." Crisel tsk'ed. Hindi ko na lang ito pinansin.
Never akong nabo-bother dahil gets ko naman ang relasyon namin. Panatag ang loob ko dahil ni minsan, wala pang sinuman ang nanggulo o sumunod-sunod tuwing magda-date kaming dalawa. I'm glad that on the first three months, hindi ko nabigyan ng sakit sa ulo at problema si Prince.
I feel like I'm providing him the silence he needs, away from the spotlight. Napaparamdam din naman niya ito sa 'kin, na kahit papaano ay natutulungan ko siya. Kaya lang, mula nang na-open topic ni Criss kanina ang tungkol doon, nagsisimula na akong mag-overthink.
Sa backgate ng school pagkatapos ng klase, hinintay ko si Prince. Nang mabagot kakaupo sa bench, tumayo ako at bahagyang inunat ang katawan. I popped my knuckles, taking walks around while waiting. Iniintindi kung bakit wala pa siya ngayon.
"Hey."
Napalingon ako sa boses na narinig. It's him. Naglakad ito papalapit at inilapag ang bag sa bench, saka umupo. Medyo hinihingal.
"Okay ka lang?" Alala kong tanong, pansing may pawis sa noo niya. Kumuha ako ng malinis na panyo at tumabi, saka marahang idinampi ito kay Prince.
"Hindi." Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Sorry..." gusto kong tanungin siya kung bakit. O, kung ako ba ang dahilan ng pagkainis nito. Pero nanatiling tikom ang bibig. Halatang wala siya sa mood kaya ayaw kong galitin lalo.
Tiningnan ako ni Prince, "Can we just walk today? Malapit lang naman ang dorm mo. There were girls waiting in front of my car, kaya hindi ko nadala rito. Bukas ko na lang 'yon gagamitin ulit." Malalim siyang bumuntong-hininga.
Tumango ako, ngumiti, "Oo naman. Tara na?"
"Hmm," tipid niyang tango.
Pansin ko ang tensyon sa buong katawan niya kaya nag-alok akong dalhin ang bag nito. Tahimik kaming naglakad papunta sa dormitory, hanggang paghinto sa tapat ng mismong building.
"Dito na 'ko," pagpapaalam ko.
Hinawakan na lang nito ang aking kamay, "Wait. Can I... stay with you for a bit? Gusto ko magpahinga."
Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Kahit kami na, hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kilig kapag siya na mismo ang nanghihingi ng pahinga. The butterflies he gave never fails making me fall for him even more.
I quickly nodded, wrapping my hands on his arm, walking into the dorm. Pagkapasok, inilapag ng maayos ang mga bag namin sa ibaba ng higaan at hinayaan ko itong maupo sa kama. Saka ako nagtimpla ng kape para sa kanya.
"Don't you get tired of me?" Napahinto ako sa pagbubuhos ng three-in-one sa tasa. Humarap siya mula sa inuupuan, "Answer me.
"Hindi. Sa three months natin, never pa naman akong napagod," I reassured. Binunot ko ang kettle at binuhusan ng mainit na tubig ang tasa saka hinalo. Matapos ipatong sa platito, marahan kong inilapag ito sa coffee table malapit sa kama.
He sighs deeply. Nahiga ito sa kama at nanahimik. Gusto kong magtanong sa kanya kung bakit. Lalo akong nag-o-overthink dahil baka sa sobrang hinhin ko sa relasyon na 'to. Na baka, nabo-bored siya.
"Sa," tawag nito sa palayaw ko. "You never get tired, right?"
I nodded. He then snickered, "Let's do it." Prince brought out of nowhere. Kumabog na naman ang dibdib ko, dahil nakikita ko na kung saan mauuwi ang usapan.
"H-ha?" Pagmamaang-maangan ko.
Bumaling siya. His smirk faltered, at tumatalas ang tingin dahil nairita sa tugon. He scoffs, "Huwag kang mag-'ha' d'yan. You know what I'm talking about."
Alam ko. Pinagmukha ko na naman ang sarili na tanga sa paningin niya. "Hindi pa ako handa."
"We're aged enough to do that—"
"Nineteen pa tayo pareho, Prince. Masyado pang maaga para do'n," pagkontra ko. Hangga't maaari, sinikap kong maging marahan sa pagsasalita. I don't want to annoy him more.
Bumangon ito sa kama't umupo, hinila na lang ako sa kandungan niya. Yakap-yakap ang aking baywang. Prince buried his face on my neck tickling my sensitivity with his warm breaths. "Come on."
"No," tanggi ko.
Humigpit lalo ang pagkakayap, "I've been asking this for months already. Since we together, you never get to fulfill this need. Sige na, Sarang."
Bahagya ko itong tinulak palayo sa leeg ko, saka umiling. "Hindi ako handa."
"Handa ka naman. At matatanda na tayo, sadyang duwag ka lang talaga. Ang tagal ko nang nagtitiis dito, o. Kahit ito lang," his voice went hard and dominant.
"Prince..."
"Ayaw mo?" Pagpipilit niya.
"A-ayaw ko, sa ngayon. Hindi naman kasi sa duwag ako, Prince. Magiging handa naman ako, e. Hindi pa lang ngayon. Mga bata pa talaga tayo. Isa pa, maraming pwedeng mangyari sa isang subok lang. Ayaw ko pa." I softly explained. Pinapaintindi sa kanya ang punto ko.
He lifted me off his lap. Ramdam ko ang frustration sa pagpapaupo nito sa 'kin sa kama
"I'm sorry..." I tried to hold his hand. Pero umiwas siya.
"I'm so exhausted today, Sa. I wanted a rest. I wanted comfort from you. Gustong makuha ang hinihingi kong pahinga sayo, kaso ang damot mo. Hindi ko tuloy mahanap sa utak ko ang dahilan kung bakit sa lahat ng pupwedeng gawing girlfriend, ikaw pa." Agad nitong pamumuna.
Tahimik at nakayuko akong nakinig sa susunod nitong puna. Alam ko naman na doon talaga ako nagkukulang. But I stood firm on my decision, despite his countless attempts. Kahit, nasasaktan na.
"Huwag mo muna akong kausapin. Nakakairita ka. Naiinis ako sayo." Galit niyang ani.
Aksidente nitong nasagi ang coffee table. Nabasag ang tasa at platito. Nanlaki ang mga mata ko dahil natapunan ng kapeng nakapatong sa mesa ang ibabang bahagi ng pantalon nito, at ang puting sapatos.
Tumayo ako at lumuhod saka humila ng tissue at sinubukang punasan ang paanan niya, "I'm sorry, Prince—"
"Fuck! Fuck you! I hate you!" Singhal niya sa akin. Kinuha nito ang bag, at marahas na isinarado ang pinto.
Naiwan akong mag-isa. Hindi magawang linisin ang kalat sa harapan kahit delikado ang bubog mula sa mga nabasag, kahit mga hita ko ay nababasa na dahil sa natapong kape.
Biglang-bigla pa rin sa nangyari, at hindi na matigil kakasisi sa sarili dahil nasaktan ko na naman si Prince.
Paulit-ulit na tinatanong, kung tama pa ba ang mga ginagawa kong desisyon sa relasyon namin. Is it still right that I'm keeping me from fulfilling his needs as a man? Imbis na pahinga, pagod ang nabibigay ko.
Sumusobra na ba ako? Nagiging madamot na masyado? I'm doubting. I'm... doubting.